?

Log in

in faded memories [entries|archive|friends|userinfo]
yourbebang

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Bye LJ! [Oct. 6th, 2009|07:23 pm]
yourbebang
[Current Mood |sadsad]

Last post before leaving Livejournal. 
Bye LJ! I'll miss you.
 
 
Link3 comments|Leave a comment

God save these people [Sep. 27th, 2009|03:45 pm]
yourbebang
[Current Mood |sadsad]

Hindi ako makapagbiro sa ibang tao tungkol sa nangyari sa bagyo.
Wala akong joke time na bibitawan kasi sa totoo lang hindi biro.
Wala akong mabitawang mga salitang nakakatawa.
Wala.

Alas dose ng tanghali nag-text ang isang family friend sa kapatid ko, nasa bubong na
sila ng bahay at humihingi ng tulong. Tumawag daw kami sa 161.
Dahil hindi ako makatawag, nagtext ako sa isa ko pang kakilala pero stranded din
yung inutusan ko. At first okay lang, nakikipaglokohan pa ako kay Vun. Pero nung
bandang alas singko na, brownout nadin sa amin. Iba na ang itsura ng langit.
Galit na. Hindi na ako natuwa.

Lumang radyo yung gamit namin para lang makaupdate ng balita.
Walang AM station, pero maswerte kasi si Gang Badoy ng Rocked ay nandoon sa
Jam 88.3 para tumulong sa mga tao. I don't personally now Gang, but I love her.
Since Rocked days pa sa NU 107, I keep on listening kasi magaganda yung mga topic
at they help people. So ayun nga, they were the one's who keep us updated.
Sobrang kabado na talaga ako when people keep calling them and telling them
na sobrang daming tao na ang nasa bubong. They keep mentioning villages,
at naalala ko na may mga elementary/high school classmates at mga kaibigan akong
mga nakatira doon. At siguro tulad ng mga iyon, nasa bubong na din sila.

It was past 8pm ng maalala ko si Zai. Naalala ko kasi na napagusapan namin na
kapag umapaw ang Marikina River saka lang sila babahain, i tried to call pero no
network coverage na. Lahat ng kaibigan ko sa Marikina, Cainta, Pasig at Antipolo ay
tinawagan ko. I also texted them asking kung nasan sila at kung nasa safe ba silang lugar.
A friend of mine was stranded in our former school since yesterday morning without food.
Another friend of mine was nowhere to be found.

12 midnight na ng nagkakuryente dito, at agad kaming nanood ng balita.
May pinakita silang clips. Mga tao na nasa bridge, tapos may mga taong palutang-lutang
sa umaagos na tubig, madami pa sila at dadaan sila sa sa ilalim ng tulay. Nagtakbuhan
sa kabilang side ang mga tao at naghagis ng lubid pero yung kumonti yung mga nakita nila.
It makes me shiver. Ni hindi ko alam kung yung mga taong yun ay kakilala ko ng personal
o mga kakilala ko sa mukha.

Ngayon ko lang naintindihan kung bakit walang paki-alam yung ibang tao sa nangyari sa kanila.
Siguro kasi hindi pa nila iyon nappuntahan at wala silang mga kakilala na taga doon.
Hindi ko magawang matulog ng maayos dahil alam kong sa pagtulog ko sa gabing iyon,
ang ibang mga kakilala ko nasa bubong ng bahay nila at naghhintay ng rescue.
Hindi ko maatim na kumain ng kumain habang naaalala kong yung iba kong pamilya ay
nilalamig at gutom na gutom.
Ang sakit na makita ang lugar na kinalakihan ko na lubog sa baha at humihingi ng tulong.

Nagagalit ako kasi hindi tayo natututo.
Nagagalit ako kasi palpak ang gobyerno.
Nagagalit ako kasi may mga tulad mong tao na walang paki-alam.
Nagagalit ako kasi wala akong magawa.

All I could do is pray.
All I could do is tell them that I'd help them.
I wanted to give out my clothes, my savings and the food we have.
Pero hindi iyon makakapagpasaya sa kanila.
I am guilty because I can't do anything.
And I hate it.

I just hope.. Just hope that all the people I know are alive.
Are okay. And nothing had happened bad to them.
Please pray.
LinkLeave a comment

No more excuses [Sep. 24th, 2009|01:48 pm]
yourbebang

Ang dami ko na kasing excuses sa buhay.
Siya nga kinaya niya, bakit ako hindi diba?
LinkLeave a comment

Say Hi! [Sep. 20th, 2009|11:06 am]
yourbebang
LinkLeave a comment

{ } [Sep. 20th, 2009|10:53 am]
yourbebang
May alam na pala akong sagot kapag may taong magtatanong sa akin kung sino
ang musical influences ko. Noon kasi nung may nagtanong sa akin, tawa lang ang
tangi kong naisagot. Bakit? Kasi siguro noong tinanong niya ako sabog ako at
siguro hindi ko naman naisip na may magtatanong sa akin ng ganun.


Oasis ang isa sa bandang nagustuhan ko noon pa. As in noon.
6-7 years old? Totoo. Kasi noong ganyang edad ako, yung mga pinsan ko nasa
kolehiyo na sila. Nagssuot nila nung mga pantalong may butas-butas at boots.
Isa ang Oasis sa paborito nilang ipatugtog sa bahay tuwing linggo, kasama na
ang Earserheads at Rivermaya.

Hirap na din kasi ako makipagusap sa mga mas bata pa sa akin ngayon.
Tipong 16 years old. Dahil tinatanong nila kung ano ako. Malamang ang tamang
sagot ay tao, pero hindi iyon ang gusto nila. Gusto nila malaman kung emo, goth,
punk etc. etc. Tapos hihiritan ka nila ng mga metal songs at sasabihin nila iyon
ang cool at uso watsoever. Kung hindi mo trip ang tugtugan nila hindi ka kakausapin.
Yun na ba uso ngayon? Labo.

Bakit noong nagmmyspace ako nung 2006 walang nagtanong sa akin ng ganun?
Pantay lahat. Lahat abot mo at kaya mong makausap.
LinkLeave a comment

lalalalove!~ [Sep. 18th, 2009|03:39 pm]
yourbebang
Its always every girls dream to be a fairy right? And you know,
I always wanted to be one. But some things changed,
so right now I'd be the one to make other girls dream come true.
I didn't go to school today because I have contact dermatitis
and my extremities are swelling! So yeah, I was bored.
All I did was listen to different fairy tale music, learn how to apply fairy make-ups
etc. etc. And now I'm ready for a photoshoot next week. :)
IF we find a perfect place. Yay! Another problem.
We just can't find a place with lots of flowers and tress and the like.
The very fairy tale atmosphere.

And oh, visit this sitte: Heather just click on the name.
Makes me want to take photos with babies but she's too great.
I love everything in there. Kyaaaaaa!~
Seeing cute babies makes me want to have my own. Hahaha!



LinkLeave a comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]